Home > News > MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City", Muling Isinagawa!

MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City", Muling Isinagawa!

March 31, 2022

Bilang bahagi ng MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City" at “Balik Kalinga sa Kalikasan at Kalinisan Program, patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pagsasagawa ng Barangay Caravan ng Clean! Clean! Clean! Project. Nitong linggong ito, umikot sa iba't ibang barangay ang Cabanatuan City Environment and Natural Resources Office (CCENRO) para ipabatid ang hudyat ng pagsisimulang muli ng nasabing proyekto. Layunin ng programang ito na mapanatiling malinis ang ating mga barangay at hikayatin ang bawat isa na makilahok.