Home > News > Iba’t Ibang Establisyemento Ginawaran ng Safety Seal Certification

Iba’t Ibang Establisyemento Ginawaran ng Safety Seal Certification

July 25, 2021

Opisyal nang nagawaran ng Pamahalaang Lungsod ang SM City Cabanatuan ng Safety Seal Certification ngayong July 1, 2021. Sila ang unang pribadong establishimento na nabigyan ng nasabing sertipikasyon sa lungsod. Ang awarding ceremony ay pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, kasama sina City Health Officer Dr. Arminda Adecer, City Disaster Risk Reduction and Management Office Head Mr. Eugene Mintu, City Business Licensing and Investment Promotions Officer-in-Charge Mr. Gener Payumo, at City Engineer Lauro Pangilinan. Ang pagtanggap ng Safety Seal ay pinangunahan nina Ms. Joanne Bondoc at Mr. Jay-ar Padilla, Assistant Mall Managers ng SM City Cabanatuan. Ang Safety Seal Certification ay ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod sa mga establisyimentong napatunayang sumusunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.