Home > News > Mga tindero at tindera ng Cabanatuan City Public Market at Sangitan Market ay muling sumailalim sa libreng anti-gen testing

Mga tindero at tindera ng Cabanatuan City Public Market at Sangitan Market ay muling sumailalim sa libreng anti-gen testing

May 14, 2021

Sa pamamagitan ng Cabanatuan City Disaster Risk Reduction and Management Office, isinailalim sa libreng Antigen testing ang mga tindero at tindera sa Cabanatuan City Public Market at Sangitan Public Market. Ito ay para masigurado na sila ligtas mula sa COVID-19 sa gitna ng kanilang paghahanapbuhay at bilang proteksyon na rin para sa mga mamimili. Gamit ang ambulansya at makeshift tents ng Pamahalaang Lungsod, ginanap ang nasabing testing noong Mayo 5-6, 2021 sa open areas sa compound ng dalawang palengke.