Home > News > Jesus V. Del Rosario Foundation at KServico, Nagbigay bilang Donasyon ng Limang Unit ng Baja RE

Jesus V. Del Rosario Foundation at KServico, Nagbigay bilang Donasyon ng Limang Unit ng Baja RE

March 10, 2021

-     Napili ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan bilang beneficiary ng limang unit ng Bajaj RE na donasyon ng Jesus V. Del Rosario Foundation at KServico. Ang mga nasabing unit ng behikulo ay ibinigay upang magamit ng mga frontliners sa paghahatid-serbisyo sa mga mamamayan. Ito ay isa sa mga paraan ng KServico upang tumupad sa kanilang corporate social responsibility, lalo na sa panahon ng pandemya na ating nararanasan sa kasalukuyan. Ang pormal na awarding ceremony ay ginanap noong Pebrero 23, 2021 sa Cabanatuan City hall.