Home > News > DOLE TUPAD Orientation, Muling Umarangkada!

DOLE TUPAD Orientation, Muling Umarangkada!

January 16, 2022

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION para sa Batch 6 na dinaluhan ng 206 na benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan na dinaos noong December 13, 2021. Ang nasabing programa ay naging posible sa pakikipag-ugnayan nina Senator Joel Villanueva at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara sa tanggapan ng Department of Labor and Employment. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw.