Home > News > Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Barangay!

Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Barangay!

January 16, 2022

Patuloy ang pagbibigay ng COVID-19 Vaccine para sa mga mamamayan ng iba't ibang vaccination sites sa Lungsod ng Cabanatuan nitong December 13-18, 2021. Ito ay sa pamamagitan ng Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination Program. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang pagbisita sa mga vaccination sites kung saan nagsasagawa ng pagbabakuna.